Исполнитель: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Пользователь: | Dawny C |
Длительность: | 130 секунд |
Начальная пауза: | 12 секунд |
Названия аккордов: | Не установлено |
Матерная: | |
Комментарии к подбору: | Нет |
I. Kung dumarating ang araw ng Paskong tulad nito
Ay naglalagay tayo ng palamuting pamasko,
Krismastri, parol, ilaw at sabit na makislap;
May damit, sapatos, kay garang lahat.
Chorus:
Datapwat huwag nating lilimutin;
May araw ng Pasko dahil kay Cristo.
Ang anak ng Dios kusang nanaog, kaligtasan, kapayapaang dulot.
Manalig sa Kanya, kasalana'y iwan na;
Tanggapin sa puso ang Cristo ng Pasko.
II. Kung dumarating ang araw ng Paskong tulad nito
Ay nagbibigayan tayo ng regalong pamasko,
May hamon at keso, may prutas sa ating hapag;
May ngiti sa labi, puso'y may galak.
Chorus:
Datapwat huwag nating lilimutin;
May araw ng Pasko dahil kay Cristo.
Ang anak ng Dios kusang nanaog, kaligtasan, kapayapaang dulot.
Manalig sa Kanya, kasalana'y iwan na;
Tanggapin sa puso ang Cristo ng Pasko.
III. Kung dumarating ang araw ng Paskong anong saya
Sa lunsod at nayon, ang tanawin ay anong ganda,
Matanda at bata ay palitan ng batian;
Mataos sa puso, may pagmamahal.
Chorus:
Datapwat huwag nating lilimutin;
May araw ng Pasko dahil kay Cristo.
Ang anak ng Dios kusang nanaog, kaligtasan, kapayapaang dulot.
Manalig sa Kanya, kasalana'y iwan na;
Tanggapin sa puso ang Cristo ng Pasko.
(Coda) Maligayang Pasko!