Текст
Lyrics muna mga kapatid hinahanap
Ko pa yung Chords 😁😇
"Walang Nakababatid sa
Pagdating ng Diyos"
I
Walang may kamalayan sa
pagdating ng Diyos,
walang sumasalubong sa
pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam
sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N'ya.
Buhay ng tao'y sadyang
hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos
gaya ng karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa
lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang
hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang
di-taglay ng tao.
Walang nakabatid
ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib'hang Kanyang
diwa sa tao.
II
Kasama natin Siya sa pamumuhay,
walang takot at malaya,
ang tingin natin sa
Kanya'y 'di higit sa walang
halagang mananalig.
Kanyang minamasdan
ang bawat kilos natin,
at lahat ng ating
saloobin ang lahat ng 'to
ay lantad sa harapan Niya,
ang lahat ay hayag sa harap Niya.
Walang may pakialam
sa pag-iral ng Diyos,
walang nakaisip sa
tungkulin Niya,
higit sa lahat, walang
sinumang naghinala tungkol
sa kung sino Siya.
Nagpapatuloy lamang tayo sa
mga gawain natin,
na tila walang kaugnayan
ang Diyos sa atin.
mula sa Sumunod sa Cordero at
Kumanta ng mga Bagong Awitin