Исполнитель: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Пользователь: | Ann Jenette Mallari |
Длительность: | 130 секунд |
Начальная пауза: | 12 секунд |
Названия аккордов: | Не установлено |
Матерная: | |
Комментарии к подбору: | Нет |
I
Kung bagyo sa buhay mo'y dumadalaw,
At ang pagasa'y waring napaparan,
Pagpapala ng Dios ay bilangin mo,
Sisiglang muli ang iyong espiritu.
Koro
Pagpapala Niya'y bilangin mo,
Pagpapalang kaloob sa iyo;
Bawat pala na nakakamit
Kaloob ng Dios, pagkat Siya'y pag-ibig.
II
May tinitiis ka bang karamdaman,
Krus mo bang pasan ay may kabigatan?
Pagpapala ng Ama ay bilangin,
Puso mo'y mapupuspos ng awitin.
III
Kung iba'y nagtatamasa ng yaman,
At ikaw'y nagdarahop magkaminsan;
Tandaang higit ang kayamanan mo
Na ipinangako ni Jesu Cristo.
IV
Kung mabibigat ang suliranin mo,
Dios nama'y hindi lumalayo sa iyo;
Angheles ng Dios sa iyo ay tutulong
Dahil sa mahal ka ng Panginoon.