Исполнитель: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Пользователь: | Ann Jenette Mallari |
Длительность: | 130 секунд |
Начальная пауза: | 12 секунд |
Названия аккордов: | Не установлено |
Матерная: | |
Комментарии к подбору: | Нет |
I
Munting bayan ng Betlehem, Payapa't tahimik ka,
Tala't bitwin nagniningning Sa langit na kay ganda;
At sa gabing malalim Sa Iyo'y sumilang na
Si Cristong pag-asa namin - Hari ng pagsinta.
II
Si Cristo ay sumilang na Sa hamak na sabsaban;
Mga anghel ang tanod Niya Habang Siya'y nahihimlay.
O tala sa umaga, Balita'y itanghal,
Awitan at purihin Siya Na Hari ng tanan.
III
Buong pusong ibinigay Dakilang handog ng Dios,
At sa buong sanlibutan Katubusan ang dulot;
Taong makasalanan, Magsisi nang lubos;
Ang puso mo ngayo'y buksan, Papasok si Jesus!
IV
Cristong Sanggol ng Betlehem, Dalangin nami't luhog:
Pusong may sala'y linisin At doon ay pumasok;
Tinatanggap Ka namin, Dakilang Kaloob;
O Panginoong Emanuel Suma-aming lubos! Amen.