Исполнитель: | Imnaryong Kristiyano (Tagalog) |
Пользователь: | Ann Jenette Mallari |
Длительность: | 130 секунд |
Начальная пауза: | 12 секунд |
Названия аккордов: | Не установлено |
Матерная: | |
Комментарии к подбору: | Нет |
I
Tunay Kang matapat, Dios nami't Ama,
Di nagbabago, di nag-iiba;
Ma-hapon, ma-tanghali, ma-umaga,
Sa buong panahon, matapat Ka!
Koro
Tunay Kang matapat, Tunay Kang matapat,
Araw-araw aking namamalas
Ang Iyong kabutihang walang kupas;
Tunay Kang matapat, sa paglingap!
II
Tag-araw't tag-ulan at ang tag-ani,
Araw, buwa't bituin sa gabi,
Nag-aawitang lagi't sumasaksi
Sa katapatan Mong anong laki!
III
Kapatawaran at kapayapaan,
Mga pangako Mong umaakbay,
Lakas ngayo't pag-asang sumisilang
Ang lahat ng ito'y Iyong bigay!