Исполнитель: | Ef Magaj (Tagalog) |
Пользователь: | mzb ministry |
Длительность: | 130 секунд |
Начальная пауза: | 12 секунд |
Названия аккордов: | По-умолчанию |
Матерная: | |
Комментарии к подбору: | Нет |
ANG TIPANAN NG MT. ZION BAPTIST CHURCH
Pinangunahan, sa aming pananalig, ng Banal na Espiritu ng Diyos upang tanggapin ang Panginoong Jesu-Cristo bilang aming Tagapagligtas, at sa pagpapahayag ng aming pananampalataya ay nabautismuhan sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Banal na Espiritu; ngayo’y isinasagawa, sa presensya ng Diyos, mga anghel, at ng kapulungang ito, na buong katausan at kaligayahang pumapasok sa tipan na ito kapara ng bawat isa bilang Katawan ni Cristo.
Aming ibinibilang ang aming sarili, samakatuwid, sa pagkasi ng Banal na Espiritu, na bigyan ang Iglesiang ito ng isang sagradong pangunguna na higit sa lahat ng institusyon ng tao at organisasyon; na magsikap na ito’y mapalago, sa kaalaman, kabanalan, at kapayapaan; na isulong ang kasaganaan at espirituwalidad; na mapanatili nito ang pagsamba, mga ordinansa, disiplina, at doktrina; na makatulong ng masaya at palagian upang suportahan ang mga ministeryo nito, gastusin, pangangalaga sa mahihirap, at ang pagpapalaganap ng Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa; at upang maparangalan, ipagmalaki, at mahalin ang aming pastor, na siya’y puspusan at araw-araw na ipapanalangin, na magpasakop sa kanya sa pagganap ng kanyang tungkulin, na palagiang dadalo sa kanyang mga pangangaral, at siya’y lubusang igagalang.
Amin ding ibinibilang ang aming sarili sa pagpapanatili ng pansarili at pampamilyang pagninilay; na turuan ang aming mga anak ng paggalang at pakikipag-ugnayan sa Panginoon; na tulungang maligtas ang aming mga kamag-anak at mga kasalamuha; na lumakad ng may katarungan sa sanlibutan; na maging makatarungan sa aming mga pakikipag-usap, tapat sa aming mga ipinangako, at mahusay sa aming mga pakikipag-ugnayan; na umiwas sa lahat ng uri ng tsismis, paninirang-puri, paninira ng samahan, at labis na pagkagalit; na magpigil sa lahat ng makamundo at mapanganib na mga kalayawan; na tutulan ang lahat ng mga gawa na isinasapalaran ang patotoo ng Kristyano at mapanatiling mataas ang moralidad ng Kristyano; at magiging masigasig sa paglilingkod para sa Panginoon.
Patuloy naming ibinibilang ang aming sarili bilang Samahang Binuklod ng Pag-ibig; na mangangalaga sa isa’t-isa sa pag-ibig bilang magkakapatid; na aalalahanin ang bawat isa sa panalangin; na magtutulungan pagdating ng karamdaman at kapighatian; na pag-iibayuhin sa puso ang maka-kristong paglingap, at maayos na pananalita; na hindi magiging madali na manakit ng iba, sa halip ay laging handang makipagkasundo, sa pagsasaalang-alang ng katuruan ng ating Tagapagligtas, na ito’y isakatuparan ng walang pag-iimbot.
At gayundin, ibinibilang namin ang aming sarili na sa sumandaling lisanin namin
ang lugar na ito, kami, sa lalong madaling panahon, ay makikipisan sa ibang Iglesia
ng Baptist na may katulad na pananampalataya at kaayusan, kung saan maisasagawa natin ang espiritu ng Tipan na ito at ang mga prinsipyo ng Salita ng Diyos.