Исполнитель: | JOHN CHRISTH PONGCXZ (English) |
Пользователь: | John Christh |
Длительность: | 130 секунд |
Начальная пауза: | 12 секунд |
Названия аккордов: | Не установлено |
Матерная: | |
Комментарии к подбору: | Нет |
SI KRISTO LANG
Orlando Nuevo
Marami ang nagtatanong sa tunay na Relihiyon
Marami ang nalilito kung sino ang Panginoon
Marami ang naghahangad na sila ay maligtas
Ngunit tumatahak sa maling landas
Si Kristo lang ang buhay
Si Kristo lang ang daan
Siya ang katotohanan
At ang buhay na walang hanggan
Siya ang simula at ang katapusan
Manalig kang tanging si Kristo lang
Marami ang naging bulag
at inaakay ng bulag
Marami ang naging bingi
katotohanan ay 'di marinig
Marami ang tumatahak
Sa isang malawak na landas
dulo nito'y kaparusahang 'di magwawakas
Dahil si Kristo lang ang buhay
Si Kristo lang ang daan
Siya ang katotohanan
At ang buhay na walang hanggan
Siya ang simula at ang katapusan
Manalig kang tanging si Kristo lang
Marami ang nagpapanggap tao'y inililigaw
Inaakit sa salapi at kayamanang 'di magtatagal
Marami ang naghahangad
Maging sikat at matanyag
Doon sa langit sila'y hindi matatanggap
Dahil si Kristo lang ang buhay
Si Kristo lang ang daan
Siya ang katotohanan
At ang buhay na walang hanggan
Siya ang simula at ang katapusan
Manalig kang tanging si Kristo lang
Si Kristo lang ang buhay
Si Kristo lang ang daan
Siya ang katotohanan
At ang buhay na walang hanggan
Siya ang simula at ang katapusan
Manalig kang tanging si Kristo lang
Manalig kang tanging si Kristo Lang
Manalig kang tanging si Kristo Lang